Lunes, Mayo 11, 2015

Ito ang tambayan na hindi ko na pala natitigilan. Ang dami kong mga byahe at lakad, nakakalimutan ko nang magsulat. Salamat sa paalala ng isang online friend. Haha. Naalala kong meron nga rin pala akong account dito bukod sa Tumblr.

Nasa kalagitnaan ako ng summer assignment o mas kilala bilang 'apostolate'. Assignment sa isang parish church, at partikular na gawain para sa patuloy na paghuhubog ng pananampalatayang Kristiyano-Katoliko. Ito nga rin pala ang paghahanda ko sa muling pagpasok sa seminaryo. Natapos na ang pagtigil ko, pagliliwaliw, pagsasaya sa aking 'beloved ministry' -- mga gawaing pangkabataan. Hehe. Sana maidala ko ang sigla at yaman ng pananampalatayang binubuhay ng mga kabataan sa kabila ng iba't-ibang karanasan nila sa buhay.

Hello, buhay estudyante.

Lunes, Hunyo 16, 2014

Panibagong Bahagi

Natapos ang walong taon na paghahanda at pag-aaral. Humiling ako ng pagtigil sa pangalawang pagkakataon.
Pinagdesisyunan, pinayagan, at nilinaw ang aking gagawin.
Isang taon. Mayo 2015 ay muling magbabalik sa loob ng seminaryo upang ipagpatuloy ang ikatlong baitang sa Teyolohiya, pang-siyam na taon sa pag-aaral at paghahanda upang maging ganap na pari ng Diyosesis ng San Pablo. Nawa'y maging mabunga ang taon na ito sa akin habang wala ako sa loob ng seminaryo. Hanggang sa muli mga kaibigan. :)